Nagpahayag ng pakikiramay si dating Presidential Communications Operations Office (PCOO) secretary Sonny Coloma sa pagpanaw ni dating social welfare secretary Corazon “Dinky” Soliman.
Ani Coloma, isang dedicated public servant si Soliman.
Sambit niya, malaki kasi ang naging gampanin nito sa pagtatatag ng Pantawid ng Pamilyang Pilipino Program (4ps) na siyang pinakikinabangan ngayon ng mga nasa laylayan.
“She played a key role in establishing a viable structure for implementing the Pantawid ng Pamilyang Pilipino (4Ps) Program that strengthened the provision of social safety nets for the most needy Filipino families so that they could join the mainstream of social opportunity,” saad niya sa isang pahayag.
Dagdag pa rito, isa rin aniya ang 68 anyos na opisyal sa nagtatag ng mabilis na pagresponde ng DWSD sa mga lugar na sinilanta ng bagyo.
“During her watch, the DSWD also established quick-response capability to provide disaster relief to calamity-stricken areas,” sambit niya.
“Her generosity of spirit inspires emulation among the Filipino youth,” dagdag pa niya.
Nito lamang Linggo nang sumakabilang-buhay si Soliman dahil sa komplikasyon dulot ng renal at heart failure. (VA)
The post Ex PCOO sec. Sonny Coloma kay Dinky Soliman: She was a dedicated public servant first appeared on Abante TNT Breaking News.Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ex-pcoo-sec-sonny-coloma-kay-dinky-soliman-she-was-a-dedicated-public-servant/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=ex-pcoo-sec-sonny-coloma-kay-dinky-soliman-she-was-a-dedicated-public-servant)
0 Mga Komento