Nagdiwang sa harap ng tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) sa Quezon City ang ilang miyembro ng Akbayan Youth at First Time Voters Network (FTVN) matapos aprubahan ang extension ng voter’s registration hanggang dulo ng Oktubre.

Pinasalamatan naman ni Akbayan first nominee Perci Cendaña ang mga mambabatas at Comelec sa pakikinig umano ng mga ito sa tinig ng kabataang Pilipino.

“We would like to thank the Senate, House of Representatives and COMELEC for heeding the call of the Filipino youth. This is a huge victory for young voters and a big booster shot for our electoral democracy. It is a big win that reduces the threat of massive voter disenfranchisement and ensures increased electoral participation,” wika ni Cendaña sa isang statement.

Nitong Lunes ay ipinasa ng Kamara at Senado sa ikatlo at huling pagbasa sa extension ng voter’s registration.

At ngayong Miyerkoles ay unanimous ang desisyon ng Comelec en banc na palawigin ang registration mula Oktubre 9 hanggang Oktubre 31, o makaraan ang filing ng certificate of candidacy mula Oktubre 1 hanggang 8.

“This is a good day. But the work is not yet done. We call upon every Filipino, especially the youth, to make the most of this opportunity. Register to vote. Let us reclaim our democracy, and rebuild our country. We won the campaign for extension. Now let’s win the election,” dugtong pa ni Cendaña. (MJD)

The post Extension ng voter registration ikinatuwa ng Akbayan first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/extension-ng-voter-registration-ikinatuwa-ng-akbayan/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=extension-ng-voter-registration-ikinatuwa-ng-akbayan)