Hiniling ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. sa pamahalaan ngayong Huwebes na simulan sa gitna ng Oktubre ang pagbabakuna sa mga edad 12 hanggang 17.

Ayon kay Galvez, sa ngayon ay may reserbang 23.27 milyon bakuna ang bansa at may paparating pang 20 milyon bakuna sa unang linggo lamang ng Oktubre.

“We are proposing to open the vaccination for children by mid October, kasi by mid October may additional pa tayong 20 million na dadating plus ‘yung 23 million, kayang-kaya na natin ma-vaccinate ‘yung 12 million na bata, na 12 to 17,” wika ni Galvez.

“Pero ang recommendation natin, mauna muna po ‘yung may comorbidities tsaka po ‘yung mga anak po ng mga healthcare workers,” dugtong pa niya.

Nitong Setyembre 19 inaprubahan ng mga experto ang pagbabakuna sa mga kabataan.

“Meaning parang nag mi-meet na po ‘yung demand at saka ‘yung supply. Meaning kailangan na natin mag-open ng other sectors,” wika pa ni Galvez.

The post Galvez: Pagtuturok sa kabataan simulan sa Oktubre first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/galvez-pagtuturok-sa-kabataan-simulan-sa-oktubre/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=galvez-pagtuturok-sa-kabataan-simulan-sa-oktubre)