Muling kinapos ang pusong pinakita ng Gilas women at yumukod kontra Chinese Taipei, 93-52, sa huli nilang laro sa group stage ng 2021 FIBA Women’s Asia Cup sa Jordan.

Pinaulanan ng mga Taiwanese ng tres ang mga Pinay, kung saan 15-of-41 ang naging shooting nila mula sa three-point area.

Sa kabilang dako, 2-of-14 lang ang naibuslo ng Gilas mula sa tres.

Bukod dito, si Afril Bernardino lamang ang maganda ang pinakita sa mga Pinay sa kanyang 24 points at 14 rebounds at wala ng nakatulong mula sa kanyang mga kakampi.

Umakyat sa 43 ang pinakamalaking lamang ng Chinese Taipei, 92-49, sa huling 2:41 ng laban.

May natitira pang laban ang Gilas kontra India ngunit para lamang ito sa classification para sa ikapitong pwesto. (MJD)

The post Gilas Women tambak ulit first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/gilas-women-tambak-ulit/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=gilas-women-tambak-ulit)