Ginawa ang lahat ngunit sadyang hindi kaya ng Gilas Pilipinas women ang mala-higanteng pwersa ng China at yumukod sa iskor na 52-143 sa 2021 FIBA Women’s Asia Cup Division A nitong Lunes sa Jordan.

Si Afril Bernardino lamang ang bright spot para sa Gilas sa kanyang 17 points, seven rebounds, two assists, two steals at two blocks.

Ngunit wala na siyang nakatuwang.

Maging ang 6’4 na si Clare Castro – ang pinakamatangkad na player ng Gilas – ay isang rebound lang ang nakuha at na-foul out pa.

Sunod na makakalaban ng mga Pinay ang isa pang halimaw na koponan sa katauhan ng Australia. (MJD)

The post Gilas Women tinapakan ng China first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/gilas-women-tinapakan-ng-china/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=gilas-women-tinapakan-ng-china)