Hindi makakalimutan ni Gladys Reyes ang isang aktres na sumampal sa kaniya na aniya’y nakapagpahiwalay sa kanyang katawan at kaluluwa.

Sa show na “Mars Pa More,” ikinuwento ni Gladys ang karanasan niya sa palad ni Diamond Star Maricel Soriano.

Aniya, nang matikman niya ang sampal ni Maricel sa 1997 film na “Minsan Lang Magmamahal,” ay napatunayan niyang totoo nga ang tsimis na mabigat ang kamay nito.

“Talagang totoo ang mga bali-balita na malakas nga talagang sumampal si Inay Maria. Talagang humiwalay nang konti ‘yung kaluluwa ko sa pagkatao ‘ko,” wika niya.

“Pero bumalik naman agad-agad. Mga ilang segundo lang tapos okay na, natauhan na agad ako,” pagpapatuloy niya.

Gumanap bilang magkapatid ang dalawang aktres sa naturng pelikula kung saan si Maricel si Mariette na siyang panganay at si Gladys naman si Pinky.

Samantala, naibahagi rin ng aktres na nasa bucketlist niya ang masampal nina Nora Aunor at Vilma Santos.

“Siyempre si Ate Guy at saka si Miss Vilma Santos. Karangalan ‘di ba, ang masampal mo ang Superstar at Star For All Seasons, why not? Tsaka may lisensya ka,” sey niya.

The post Gladys Reyes nasampolan ng sampal ng isang aktres: Humiwalay ‘yung kaluluwa ko sa pagkatao ‘ko first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/gladys-reyes-nasampolan-ng-sampal-ng-isang-aktres-humiwalay-yung-kaluluwa-ko-sa-pagkatao-ko/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=gladys-reyes-nasampolan-ng-sampal-ng-isang-aktres-humiwalay-yung-kaluluwa-ko-sa-pagkatao-ko)