May inilaang P1.8 bilyon ang gobyerno sa susunod na taon para sa 22 public residential drug treatment and rehabilitation centers (TRCs) na pinatatakbo ng Department of Health (DOH).

Ayon kay Anakalusugan Rep. Michael Defensor, ang alokasyon ay kasama sa P5.024 trilyong 2022 National Expenditure Program.

Taon-taon ay mahigit 5,000 bagong drug adik umano ang pumapasok sa mga TRC hindi pa kasali ang mga ibinabalik at outpatient.

Ang mga gagastusang TRC sa susunod na taon ay ang Bicutan Rehabilitation Center (P193 milyon), Tagaytay Rehabilitation Center (P108.7 milyon), Dagupan Rehabilitation Center (P98.4 milyon), Argao, Cebu Rehabilitation Center (P84.8 milyon), Cagayan de Oro Rehabilitation Center (P77.3 milyon), Camarines Sur Rehabilitation Center (P74.1 milyon), Central Luzon Centers for Health Development (P73.7 milyon), Dulag, Leyte Rehabilitation Center (P73.2 milyon), Malinao, Albay Rehabilitation Center (P69 milyon), Bataan Rehabilitation Center (P68 milyon), Pototan, Iloilo Rehabilitation Center (P67.6 milyon), CARAGA Rehabilitation Center (P66.3 milyon), Isabela Rehabilitation Center (P62.4 milyon), Cebu City Rehabilitation Center (P58.7 milyon), Malaybalay, Bukidnon TRC (P17.5 milyon), San Francisco, Agusan del Sur TRC (P17 milyon), San Fernando, La Union TRC (P13 milyon), Malagos, Davao TRC (P13 milyon), SOCCSKSARGEN Drug Abuse TRC (P13 milyon), Zamboanga City TRC (P8.4 milyon), Las PiƱas Drug Abuse TRC (P6.4 milyon) at Bauko, Mountain Province TRC (P4.4 milyon).

May dagdag umanong P112.6 milyon para sa operasyon ng mga TRC na nasa ilalim ng central office ng DOH.

Bukod dito may nakalaang P390 milyon para palawigin ang operasyon ng mga TRC at malaking bahagi nito ay mapupunta sa pagbili ng mga bagong kama.

Sa ilalim ng batas ay maaaring pumasok sa rehabilitation center ang mga adik at maaari ring magpetisyon ang kanilang pamilya para rito.

Ang mga nahuhuling drug user ay maaari ring pumasok sa rehabilitation center kapalit ng kanilang pagkakakulong kung papayagan ng hukom.

The post Gobyerno gagastos ng P1.8B sa mga adik first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/gobyerno-gagastos-ng-p1-8b-sa-mga-adik/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=gobyerno-gagastos-ng-p1-8b-sa-mga-adik)