Bumaba sa 219 ang bilang ng mga lugar sa NCR na nasa ilalim ng granular lockdown, batay sa pinakahuling tala ng Philippine National Police (PNP) ngayong Huwebes.
Ayon sa PNP, ang naturang mga lugar ay nakapaloob sa 123 barangay sa Metro Manila.
Sa mga nasa ilalim ng lockdown, 132 ang mga bahay, 53 ang palapag ng residential building, 17 ang kalsada at 17 ang subdivision.
Nakabantay naman ang 592 kawani ng PNP at 714 na mga force multiplier sa mga naturang lugar.
Una nag sinabi ng pinuno ng Metro Manila Council na si Mayor Edwin Olivarez na sapat na ang isang kaso ng COVID para isailalim sa granular lockdown ang isang tahanan o palapag ng residential building. (MJD)
The post Granular lockdown nakataas sa 219 lugar – PNP first appeared on Abante TNT Breaking News.Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/granular-lockdown-nakataas-sa-219-lugar-pnp/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=granular-lockdown-nakataas-sa-219-lugar-pnp)
0 Mga Komento