Asinta ni Jalen Green ng Houston Rockets na masungkit ang ang 76th National Basketball Association 2021-22 Rookie of the Year award.

Ito ang isiniwalat ng 2021 NBA Draft second pick overall sa Media Day ng koponan nitong Martes (Manila time).

“The goal is to win rookie of the year and the fact that I didn’t go #1 is certainly motivation,” litanya ni 19-year-old, 6-foot-6 shooting guard, drumibol sa Ignite ng NBA G League.

Nago ma-draft sa sa US major league, nagpasiklab ang Fil-Am cager sa Ignite kung saan ito kumubra ng average na 17.9 points, 4.1 rebounds at 2.8 assists per game.

Itinuloy-tuloy ni Green ang pagpapakitang gilas sa nagdaang Summer League para Rockets, pero sa kasamaang palad ay hindi natapos ang torneo nang magka-hamstring injury.

Sinimulan na nitong Miyerkoles ni Green at ng Rockets ang training camp bilang paghahanda sa nalalapit na NBA season.

Unang makakasagupa ng Rockets sa regular season sa Oktubre 21 ang Minnesota Timberwolves.

The post Green puntirya Rookie of the Year first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/green-puntirya-rookie-of-the-year/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=green-puntirya-rookie-of-the-year)