Patuloy pang lumalawak ang pamilya ng Partido Reporma.

Nito lamang kasing Huwebes nang manumpa ang ilang bagong miyembro ng naturang partido mula sa iba’t-ibang bahagi ng Luzon.

“Partido Reporma sa Luzon, patuloy na lumalawak pa!” saad sa tweet.

Makikitang present sa oath-taking ang chairman ng nasabing party at presidential aspirant na si Senador Panfilo “Ping” Lacson.

“Ang ating mga bagong miyembro mula sa iba’t-ibang bahagi ng Luzon ay nanumpa sa harap ng ating Chairman at presidential candidate na si @iampinglacson kanina.”

Nito lamang nakaraang linggo nang manumpa rin ang ilang bagong kasapi ng Partido Reporma mula Southern Luzon. (VA)

BASAHIN: https://tnt.abante.com.ph/partido-reporma-lumalaking-pamilya/

The post Growing family! Mga kaalyado ng Partido Reporma dumarami first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/growing-family-mga-kaalyado-ng-partido-reporma-dumarami/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=growing-family-mga-kaalyado-ng-partido-reporma-dumarami)