Opisyal na inilunsad bukas, Setyembre 12 ang citizen movement na Hugpong Para kay Sara (HPS) na tutulong at kukumbinsi umano kay Davao City Mayor Sara Duterte upang tumakbo sa pagkapangulo sa 2022 election.

Mahigit sa 10,000 taga-suporta at chapter members mula sa iba’t ibang rehiyon at ibang bansa ang inaasahang manunumpa sa paglulunsad ng HPS.

Ayon kay Deputy Speaker at Bagong Henerasyon party-list Rep. Bernadette Herrera na tumatayong tagapagsalita ng HPS, itutuloy ang paglulunsad ng kanilang grupo sa kabila ng pagsasabi ni Duterte-Carpio na hindi na ito tatakbo sa anumang national position matapos na pumayag ang kanyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte na tumakbo sa pagkabise presidente.

“We will proceed with the HPS launching in spite of the recent pronouncement of Mayor Sara that she will not run for president because we still believe she is the most qualified to lead our nation for the next six years,” dagdag pa ni Herrera.

Naniniwala umano ang HPS na si Duterte-Carpio ay makapagbibigay ng tunay na pagbabago na kailangan ng bansa.

Para naman kay dating Davao del Norte governor at Hugpong Ng Pagbabago (HNP) Secretary-General Anthony Del Rosario ang pag-atras ni Carpio ay nagpapakita lamang na hindi ito isang “political opportunist.”

“She has consistently shown a gentle heart for her constituents, especially the common folk, and that to many Filipinos, is priceless. A style of governance couched by a strong political will and a thoughtful mind, which many of our citizens believe is what the country needs,” sabi pa ni Del Rosario.

The post Hugpong Para kay Sara ilalarga bukas first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/hugpong-para-kay-sara-ilalarga-bukas/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=hugpong-para-kay-sara-ilalarga-bukas)