Wala pang inilalabas na guidelines ang Inter-Agency Task Force kung kailan gagamit at hindi gagamit ng face shield sa bansa.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Harry Roque matapos ang anunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na maaari ng hindi gumamit ng face shield sa labas maliban sa 3Cs — closed, crowded at closed contacts.

Habang wala pa aniyang mga guidelines, pinayuhan ni Roque ang publiko na sundin ang literal na utos ng Pangulo.

“Napakadaling intindihin yan, kapag closed – indoors, kinakailangan face shield. Sabi naman ni Presidente sa labas lang. Pero kung ikaw ay nasa labas, yung dalawang Cs — meron bang crowded at meron bang closed contact?” ani Roque.

Dapat aniyang maging mapanuri ang publiko sa tuwing lalabas dahil kapag matao ang pupuntahang lugar ay mahalagang magsuot pa rin ng faceshield.

“Kapag ikaw ay nasa tiangge na talaga namang tabi-tabi, hindi outdoors, so kailangan pa ring mag-face shield,” dagdag ni Roque.

Maging ang pagsakay sa mga pampublikong sasakyan ay kailangan pa rin aniyang magsuot ng face shield. (Aileen Taliping)

The post IATF wala pang guidelines sa face shield – Roque first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/iatf-wala-pang-guidelines-sa-face-shield-roque/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=iatf-wala-pang-guidelines-sa-face-shield-roque)