Makikipagpustahan si Pangulong Rodrigo Duterte kung may kahahantungan ang ginagawang imbestigasyon ng Senado sa isyu ng mga biniling medical equipments ng gobyerno para sa COVID-19.

Sinabi ng pangulo sa kanyang pagdalo sa National Convention sa Pampanga noong Miyerkoles na puro pag-iingay lamang ang ginagawa ni Senador Richard Gordon na siyang Chairman ng Senate Blue Ribbon Committee na nag-iimbestiga sa mga biniling gamit ng Department of Health .

Ayon sa Pangulo, walang nilabag na batas sa ginawang procurement ng gobyerno sa mga Personal Protective Equipment (PPE) at face mask at malinaw na iba ang gustong tumbukin ng mga senador para siraan ang gobyerno.

“Umiingay na naman itong si Gordon, at sabihin ko sa yo, magpupustahan tayo, walang mangyayari niyan,” anang pangulo.

Una aniya ay ang hindi nagamit na pondo ng DOH ang inimbestigahan pati na ang presyo sa pagbili ng face masks at PPEs hanggang sa napunta na ang isyu sa kumpanyang binilhan ng mga ito.

“It basta procurement, they see something to make noise about it. Ito yung opposition, ito yung kalaban, ito yung kalaban natin,” dagdag ng pangulo.

The post Imbestigasyon ni Dick walang mangyayari – Duterte first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/imbestigasyon-ni-dick-walang-mangyayari-duterte/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=imbestigasyon-ni-dick-walang-mangyayari-duterte)