Naghain ng leave of absence (LOA) si Davao City Mayor Sara Duterte mula Oktubre 5 hanggang 8 na siyang kaparehong petsa ng filing ng certificate of candidacy.

Inanunsyo ito ng alkalde sa isang radio program.

“It is something that I really need to do,” ani Sara.

Wala namang ibang detalye pa ang sinabi ng alkalde.

Matatandaang una nang kinumpirma nina Sara at kanyang utol na si Vice Mayor Sebastian Duterte na muli silang mangangandidato sa Halalan 2022. (VA)

The post Inday Sara naghain ng LOA sa araw ng COC filing first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/inday-sara-naghain-ng-loa-sa-araw-ng-coc-filing/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=inday-sara-naghain-ng-loa-sa-araw-ng-coc-filing)