Kailangang suspendihin ang konstruksiyon ng Kaliwa Dam project na pinondohan ng China hangga’t hindi naaayos ng implementing agency ang ‘legal prerequisite’ para dito.

Ito ang panawagan ni Sen. Leila de Lima matapos ihain ang Senate Resolution No 909 na humihilng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na agad na suspendihin ang pagpapagawa ng Kaliwa Dam project kasunod ng mga ulat ng mga iregularidad at paglabag sa procedural guidelines at protocols sa implementasuon nito.

“Government remains hell-bent to push forward with the project, despite credible claims that the social, cultural, environmental, and economic costs of the Kaliwa Dam Project outweigh its purported benefits,” sabi ni De Lima.

“There is a need to determine once and for all the viability of the Kaliwa Dam Project and the impacts it will have on its primary stakeholders, particularly the local indigenous population,” dagdag nito.

Kamakailan lamang muling pinuna ng Commission on Audit ang MWSS sa pagpapatupad ng Kaliwa Dam project dahil wala itong ‘proof of compliance’ gayundin ang kakulangan ng environmental prerequisites at permit.

Batay sa MWSS2020 report sa naturang proyekto, ang detailed engineering at design pahse ng proyekto ay 92.67 na makumupleto sa katapusan ng taong ito.

“This was despite the MWSS’ failure to show proof that the preconditions set by the Department of Environment and Natural Resources (DENR) under an environmental compliance certificate issued on 11 October 2019 have been complied with,” ani De Lima.

Ang Kaliwa Dam project ay inaasanang magbibigay ng dagdag ng water source at suplay sa Angat Dam at makakatulong para mapigilan ang water shortage sa lumalaking populayon ng Metro Manila. (Dindo Matining)

The post Itigil ang Kaliwa Dam project – De Lima first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/itigil-ang-kaliwa-dam-project-de-lima/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=itigil-ang-kaliwa-dam-project-de-lima)