Tumaas ang bilang ng mga walang trabaho sa Pilipinas noong Agosto, batay sa tala ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Ayon sa PSA, 8.1% sa labor force ng bansa ang walang trabaho, na ang katumbas ay 3.88 milyon Pilipino.

Mas mataas ito kumpara sa 6.9% noong Hulyo at 7.7% noong Hunyo.

Ito umano ay dulot ng pagsasailalim sa ilang bahagi ng bansa – partikular ang NCR – sa enhanced community quarantine, ayon kay national statistician Dennis Mapa.

Samantala, gumanda naman ang lagay ng underemployment sa bansa, na bumaba sa 14.7% nitong Agosto mula sa 20.9% noong Hulyo.

Tinatayang nasa 6.48 milyon na lamang ang underemployed.

Kaya naman, ang employment rate nitong Agosto ay 91.9% o 44.23 milyon katao, mas mababa sa 93.1% noong Hulyo. (MJD)

The post Jobless sa pumalo sa 3.88-M – PSA first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/jobless-sa-pumalo-sa-3-88-m-psa/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=jobless-sa-pumalo-sa-3-88-m-psa)