Maging ang Canada ay suki na ng Chickenjoy ng Jollibee.

Nito lamang kasing linggo nang magsimulang umaragkada ang mobile kitchen ng naturang fast-food brand sa Winnipeg, Manitoba.

Ayon sa ulat ng GMA News, bahagi ang paandar nito ng Jollibe ng kanilang plano na magtatag ng 500 stores sa North Americ sa susunod na 7 taon.

Ilan sa kasama sa menu ng naturang food truck ang famous Jolly Crispy Chicken (Chicjkenjoy), Jolly Spaghetti, at Peach Mango Pie.

Batay sa report, matatagpuan ang mobile kitchen sa southwest corner ng CF Lime Ridge Mall. (VA)

The post Jollibee mobile kitchen umarangkada sa Canada first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/jollibee-mobile-kitchen-umarangkada-sa-canada/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=jollibee-mobile-kitchen-umarangkada-sa-canada)