Keribels lang umano kay Sorsogon Gov. Francis ‘Chiz’ Escudero at kay Heart Evangelista kahit ang isa sa kanila’y madikit sa ibang lalaki o babae habang nagtatrabaho.

Sa kanilang guesting sa vlog ni Karen Davila, inihayag ni Chiz na walang problema sa kanya kung makakatrabaho ni Heart ang ex-boyfriend nitong si Jericho Rosales.

“It’s up to her. If it will help her, if it will make her grow, hindi ako selosong tao,” ani Chiz.

Gayundin naman, wala ring problema kay Heart ang pagiging lapitin sa chicks ng asawa.

“He makes me feel really secure. But when you talk to him and you get to know this guy, you’ll be so surprised na pinipilahan siya ng maraming babae,” wika ni Heart.

“The reason why some girls go for him is because he won’t make the move,” dagdag pa ng aktres.

Ipinagmalaki pa ni Heart na kahit mangaliwa ang asawa ay handa siyang patawarin ito.

Si Chiz at Heart ay ikinasal noong 2015.

The post Kahit madikit sa iba: Heart, Chiz walang selosan first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/kahit-madikit-sa-iba-heart-chiz-walang-selosan/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=kahit-madikit-sa-iba-heart-chiz-walang-selosan)