Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 319 bagong kaso ng Delta variant sa bansa.

Ang datos ay naitala ng DOH noong Setyembre 18, kaya naman lahat ng Delta variant cases ay umabot na sa 3,027, o 24.16% ng 12,530 samples na na-sequence.

Kaya naman, ang naturang variant na ang pinakakaraniwan sa mga na-sequence na samples.

“This variant is now the most common lineage among sequenced samples as of the latest whole genome sequencing run,” pahayag ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Bukod dito, sa mga bagong Delta cases, 18 lamang ang galing sa mga returning overseas Filipinos, na nangangahulugang local cases na ang malaking bahagi nito.

Kasunod ng Delta, laganap na rin ang Beta variant (2,734 total cases) at Alpha (2,461 cases).

“The increased proportion of these variants can be attributed to their increased transmissibility. However, sampling methodology also affects these proportions as samples from target areas or populations are prioritized more,” wika pa ni Vergeire. (MJD)

The post Kalat na! 319 bagong Delta cases naitala first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/kalat-na-319-bagong-delta-cases-naitala/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=kalat-na-319-bagong-delta-cases-naitala)