Nakiramay ang Kamara de Representantes sa pagpanaw ni dating Iloilo Rep. Oscar Garin Sr.

“We send our sympathies and prayers to the family that he has left behind, especially to our colleagues in the 18th Congress—his daughter (AAMBIS-OWA) Rep. Sharon Garin, and daughter-in-law (Iloilo) Rep. Janette L. Garin,” sabi sa pahayag na inilabas ng Kamara.

Si dating Rep. Oscar ay miyembro ng 8th, 9th, 10th at 12th Congress. Siya ay naging alkalde rin ng bayan ng Guimbal.

Sinabi ni Rep. Janette na naging mabuting ama si dating Rep. Oscar sa kanyang mister at naging mabuting biyenan sa kanya.

“We mourn Tatay’s passing but we celebrate his good life. He was an amazing father in all aspects,” sabi ni Rep. Janette. “He was a good father to Richard. He always pushed Richard to do better and be better. He was a great father-in-law to me, always reminding me of what is important in life. What I appreciate most is how exceptional of a grandfather he was to Rica. He was supportive and always available to her.”

Kung naging mabuting haligi ng tahanan sa kanila si dating Rep. Oscar, sinabi ni Rep. Janette na naging mabuti rin itong ama sa kanyang distrito at tiniyak na magiging maganda ang kalagayan ng kanyang mga kababayan.

“We cry now but we will forever cherish everything you have taught us. We mourn now but we will celebrate your life as long we live. Mission accomplished, Tatay. Rest well in heaven,” sabi pa ni Rep. Janette. (Billy Begas)

The post Kamara nakiramay sa pagpanaw ni dating Iloilo Rep. Oscar Garin Sr. first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/kamara-nakiramay-sa-pagpanaw-ni-dating-iloilo-rep-oscar-garin-sr/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=kamara-nakiramay-sa-pagpanaw-ni-dating-iloilo-rep-oscar-garin-sr)