Sinabi ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. na malapit nang payagan ng gobyerno ang mga lokal na pamahalaan at pribadong sektor na pumakyaw ng sarili nilang bakuna kontra COVID-19.

“In the future, we’ll change our procurement strategy. ‘Yung ating mga LGU at private sector pwede na dumiretso, wala na tayong magiging MPA (multi-party agreements),” ani Galvez sa isang briefing.

Anang opisyal, ang pagbabago sa procurement strategy ay bunga ng “reformulated boosters.”

“For 2022, we are now negotiating with four manufacturers for the introduction of reformulated booster… this is the next-generation booster to extend efficacy,” sambit niya.

Aniya, kailangan din kasing paigtingin ang malawakang pagbabakuna sa bansa lalo na’t nariyan lang ang banta ng Delta variant.

“Vaccine alone cannot stop the Delta [variant], we need to increase prevention strategy: masking, ventilation, and massive vaccination with people’s participation at the core of our response,” sambit niya.

The post Kaunting kembot na lang! Mga LGU, private sector makakapakyaw na ng COVID vaccine – Galvez first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/kaunting-kembot-na-lang-mga-lgu-private-sector-makakapakyaw-na-ng-covid-vaccine-galvez/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=kaunting-kembot-na-lang-mga-lgu-private-sector-makakapakyaw-na-ng-covid-vaccine-galvez)