Tsugi ang isang lalaki matapos mapipi ng kanyang minamanehong oil tanker na tumagilid sa kabahaan ng Diversion Road, Sta. Catalina, Atimonan, Quezon.

Sugatan naman ang isa pa nitong kasamang drayber.

Ayon sa ulat ng GMA News, naganap ang aksidente pasado alas-10 ng umaga nitong Sabado.

Batay sa report, papunta sanang Bicol ang naturang trak nang mawalan ito ng preno at bumulusok sa pababang bahagi ng kalsada.

Dahil dito, nawalan na ng kontrol ang drayber sa manibela dahilan para sumadsasd ito sa gilid ng bundok.

Agad namang nakatalon ang isang drayber habang naiwan sa loob ang isa niyang kasama.

Sinubukan pa umanong sagipin ng mga rumesponde ang buhay ng kelot ngunit nasawi rin ito.

Dinala naman sa pagamutan ang sugatang drayber.

Wala namang napa-ulat na nadamay sa aksidente.

The post Kelot na-sandwich ng oil tanker, tigok first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/kelot-na-sandwich-ng-oil-tanker-tigok/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=kelot-na-sandwich-ng-oil-tanker-tigok)