Tuluyan nang lumabas ng Philippine Area of Responsibility si bagyong Kiko.

Ayon sa PAGASA, pasado ala-1 nitong Linggo nang umalis na si Kiko sa bansa.

Kaugnay nito, naispatan ng ahenya ang mata ni Kiko 525 kilometro hilaga ng Itbayat, Batanes alas-5 ng hapon kahapon.

Anila, patuloy namang lalakas si Kiko patungo sa pagiging habagat na siyang inaasahang magdadala ng pag-ulan sa Ilocos Region, Batanes, Babuyan Islands, Cordillera Administrative Region, at kanlurang bahagi ng Central Luzon sa loob ng 24 oras.

Binalaan naman ng PAGASA ang mga residente sa nasabing lugar sa maaaring flash floods at pagguho ng lupa dulot ng malakas na ulan.

The post ‘Kiko’ sumibat na sa ‘Pinas first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/kiko-sumibat-na-sa-pinas/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=kiko-sumibat-na-sa-pinas)