Dahil sa sobrang pagkahumaling sa make-up, maging si Mavy Legaspi ay kinukulayan na rin ni Kyline Alcantara.

Anang aktres, hilig niyang ayusan si Mavy na siya rin namang game na game lang sa trip ng aktres.

“Hilig ko pong makeup-an si Mavy, hilig ko po talaga siyang makeup-an ever since. Lagi kong kinu-curl ‘yung lashes niya, nilalagyan ko ng mascara, nilalagyan ko siya ng blush on, nilalagyan ko siya ng foundation, nilalagyan ko siya ng lipstick,” kwento ni Kyline.

“I’m very happy na go lang siya sa kung anong pangti-trip ko sa kaniya,” dagdag pa niya.

Bukod dito, feeling hairstyo din ang aktres dahil sa hilig din niya umanong maggpuit ng buhok.

“Hindi ko po alam pero siguro meron lang akong ability na magpapayag ng mga tao. ‘Can I style ‘you ma?’ ganiyan ang mga ginagawa ko. Siyempre kahit disappointed sila wala na po silang magagawa, nagupit ko na eh,” sambit niya. (VA)

The post Kyline trip pagandahin si Mavy first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/kyline-trip-pagandahin-si-mavy/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=kyline-trip-pagandahin-si-mavy)