Inamin ni Senador Panfilo Lacson na pinagsisihan niya ang pagsuporta sa pondo ng anti-insurgency task force ng gobyerno kung saan umiiral umano ang ‘favoritism’ sa pamamahagi ng pondo.

“NTF-ELCAC yes, meron akong mga frustrations because of what I’ve been hearing from the other LGUs (local government units),” sabi ni Lacson sa panayam sa ANC.

Ginawa ni Lacson ang pahayag matapos tanungin kung nagsisi ba siya nang suporta ang Anti-Terror law gayundin ang pondo sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Mula sa P19 bilyong pondo ngayong 2021, ipinanukala sa national budget sa susunod na taon na gawin nang P28.1 bilyon ang pondo para sa anti-insurgency task force.

Sabi ni Lacson, masyado napakalaki aniya ng panukalang pondo sa nasabing task force sa 2022 gayong may hindi pa nagagamit ang pondo para sa taong ito.

Aniya, mainam sanang suportahan kung nasusunod ang konsepto ng NTF-ELCAC.

“Pero dahil nga sa implementation, merong favoritism at namimili kung sino, again, kung sino ang kaalyado sinong gustong tulungan, dun ang bibigyan ng maraming pondo,” punto ni Lacson.

“There’s something really very wrong in the implementation so again we have to scrutinize, we have to look and itemize budgeting for the NTF- ELCAC and they will have to justify,” sambit pa nito.

Ayon kay Lacson, may mga LGUs na nakakatanggap ng mas malaking pondo mula sa task force, tulad ng Davao City, ang bayan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Subalit mismong si presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte ay nagsabing hindi nila kailangan ang P1.5 bilyong pondo mula sa NTF-ELCAC dahil wala naman “surrenderees) sa kanilang lugar, sabi ni Lacson.

Subalit ang Davao del Norte na may 2,000 surrenderees ay walang nakuhang pondo mula sa task force.

Samantala, sinabi naman ni Lacson na wala siyang pinagsisihan nang suportahan niya ang Anti-Terror Act.

“No. I don’t have any regrets at all because I still believe it’s a very good law. But a good law being implemented by a bad government, that’s another matter,” ani Lacson.

The post Lacson: May ‘favoritism’ sa NTF-ELCAC first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/lacson-may-favoritism-sa-ntf-elcac/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=lacson-may-favoritism-sa-ntf-elcac)