Dumating ngayong Biyernes ng umaga ang 502,000 AstraZeneca vaccine.

Lumapag umano ang eroplanong may dala ng nasabing bakuna sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 dakong alas-9:30 a.m. ng umaga.

Ayon sa National Task Force against COVID-19, ang mga ito ay binili ng pribadong sektor.

Dahil dito, umakyat na sa mahigit 53 milyon ang mga bakunang dinala sa bansa.

Mamayang hapon ay inaasahan pa ang pagdating ng isang milyong Sinovac vaccine.

The post Lagpas 500K bakuna dumating sa Pinas first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/lagpas-500k-bakuna-dumating-sa-pinas/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=lagpas-500k-bakuna-dumating-sa-pinas)