Star-studded kung maituturing ang 2021 film na “Don’t Look Up” ni direk Adam McKay.

Bibida lang naman sa kanyang pelikula sina Jennifer Lawrence, Leonardo DiCaprio, Ariana Grande at Meryl Streep.

But wait there’s more!

Kasama rin sa ilan pang lilitaw sa comedy/disaster movie sina Timothee Chalamet, Cate Blanchett, Jonah Hill, Rob Morgan, Tyler Perry at Ron Perlman.

Ayon sa ulat ng CNN, maging si Chris Evans ay may pahapyaw na eksena sa naturang pelikula.

Sesentro ang kwento ng “Don’t Look Up” sa dalawang astronomers na silang magbababala sa publiko patungkol sa comet na sisira sa Earth.

The post Leonardo DiCaprio, Ariana Grande iba pang Hollywood big stars magsasama sa isang pelikula first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/leonardo-dicaprio-ariana-grande-iba-pang-hollywood-big-stars-magsasama-sa-isang-pelikula/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=leonardo-dicaprio-ariana-grande-iba-pang-hollywood-big-stars-magsasama-sa-isang-pelikula)