Nakatakda nang isapinal bukas, Setyembre 22, ang listahan ng 100 paaralan na sasabak sa pilot test ng limited face-to-face classes sa bansa.

Ayon ito kay Department of Education (DepEd) Undersecretary Nepomuceno Malaluan.

“Sa Wednesday ay humingi kami ng pagpupulong para isapinal yung schools na from 638 schools natin na inihanda ay alin talaga yung mapipiling 100,” sambit niya sa panayam ng Unang Balita ngayong Martes.

Bukod pa rito, may 100 publlic schools at 20 private schools din ang inaasahang sasali sa ikakasang dry run ng limited face-to-face classes.

Nito lamang Lunes nang aprubahan ng pamahalaan ang pagkakasa ng pilot test ng limitadong harapang klase sa mga lugar kung saan mababa ang kaso ng COVID. (VA)

The post Listahan ng mga eskwelahang sasabak sa dry run ng limited face-to-face classes isasapinal sa Miyerkoles – Deped first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/listahan-ng-mga-eskwelahang-sasabak-sa-dry-run-ng-limited-face-to-face-classes-isasapinal-sa-miyerkoles-deped/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=listahan-ng-mga-eskwelahang-sasabak-sa-dry-run-ng-limited-face-to-face-classes-isasapinal-sa-miyerkoles-deped)