Inatasan ng IATF ang kanilang regional IATF Task Forces na i-monitor ang allocation at utilization ng rapid antigen test para ma-improve ang reporting ng COVID-19 cases.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na nais ng DOH na mailarga ang registration ng mga pasilidad o laboratoryo na gumagamit ng rapid antigen kits.

Layon aniya nito na mapaigting at mapahusay ang reporting ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa.

“Inatasan ang DOH National Capital Region Center for Health Development na i-facilitate ang registration g facilities na gumagamit ng rapid antigen kits,” ani Roque.

Dahil dito, sinabi ng kalihim na kinakailangang madagdagan ang disease surveillance staff at encoders para sa mas mabilis na pagre-report ng mga kaso ng kontaminasyon sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

“Yan po ang ating objective, para maging mas mabuti iyong picture natin kung ilan ang total cases natin. Pero yung mga positibo, subject pa rin po yan sa confirmatory tests,” dagdag ni Roque.

The post Local IATF pinakilos para i-monitor ang alokasyon at paggamit ng rapid antigen tests first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/local-iatf-pinakilos-para-i-monitor-ang-alokasyon-at-paggamit-ng-rapid-antigen-tests/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=local-iatf-pinakilos-para-i-monitor-ang-alokasyon-at-paggamit-ng-rapid-antigen-tests)