Inendorso ni Pangulong Rodrigo Duterte si Rep. Manny Lopez bilang Manila mayoral bet.

Posibleng makalaban ni incumbent Mayor Isko Moreno si Lopez sa 2022 elections sakaling magdesisyon ang una na tumakbo pa rin sa pagka-alkalde.

Sa ulat, sinabi ni Lopez na tinanggap niya ang nominasyon ng Pangulo bilang Manila mayoralty bet sa ilalim ng PDP-Laban.

Nasa ikalawang termino na bilang kongresista si Lopez. Siya ang chairman ng House committee on Metro Manila development.

The post Lopez pambatong Manila yorme ni Duterte first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/lopez-pambatong-manila-yorme-ni-duterte/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=lopez-pambatong-manila-yorme-ni-duterte)