Itinanggi ni Pope Francis ang usap-usapan sa ilang media outlet sa Italy na magbibitiw siya bilang Santo Papa matapos ang operasyon sa kanya noong Hulyo.

Sa isang 90-minute interview, nagpasalamat si Pope Francis sa isang lalaking nurse mula sa Vatican health service na nagligtas umano sa kanyang buhay.

Ito raw ay dahil ang nasabing nurse ang nagmungkahi na sumailalim na siya sa operasyon sa kanyang iniindang symptomatic diverticular stenosis. Ang ibang mga doktor raw ay antibiotics lamang ang inirerekomenda.

“Certainly these things that are born from the diverticula… and who knows… they become deformed, necrotic… but thank God, it was taken in time, and here I am,” ayon sa Santo Papa.

Ibinahagi rin nito na nasa 13 pulgada ng kanyang colon ang tinanggal.

Dahil sa tindi ng operasyon, kumalat ang balitang baka magbitiw ang Santo Papa, bagay na kanya namang itinanggi.

“Whenever a pope is ill there is always a breeze or a hurricane about a conclave,” aniya.

“I don’t know where they got it from last week that I was going to resign…. It didn’t even cross my mind,” dugtong pa ni Pope Francis.

The post Maayos ang lagay! Pope Francis ‘di bababa sa pwesto first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/maayos-ang-lagay-pope-francis-di-bababa-sa-pwesto/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=maayos-ang-lagay-pope-francis-di-bababa-sa-pwesto)