Mahigit dalawang milyong Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccine ang dumating sa bansa nitong Linggo.

Lumapag ang 2,020,590 Pfizer-BioNTech COVID vaccine kagabi sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 pasado alas-11:50 ng gabi sakay ng Emirates Flight EK2520.

Una nang dumating sa kaparehong araw ang tatlong milyong doses ng Sinovac COVID-19 vaccine.

Ayon sa ulat ng GMA News. kasalukuyang 18 milyong Pilipino na ang nabakunahan kontra COVID simula nang umarangkada ang malawakang pagbabakuna noong Marso 1. (VA)

The post Mahigit 2M Pfizer COVID vaccine lumapag sa Pinas first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mahigit-2m-pfizer-covid-vaccine-lumapag-sa-pinas/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=mahigit-2m-pfizer-covid-vaccine-lumapag-sa-pinas)