Lumapag na sa bansa ang karagdagang 561,500 Pfizer COVID-19 vaccines na siyang donasyon ng Estados Unidos sa Pilipinas.

Sa Talk to the People, sinabi ni vaccine czar Carlito Galvez na nakatanggap na ang bansa ng 64,942,000 bakuna kung saan 16,067,680 dito ay donasyon.

Kaugnay nito, naitala na nasa 18,560,409 Pinoy na ang resbakunado kontra COVID.

Ayon sa ulat ng GMA News, malayo pa ito sa 70% na target population ng pamahalaan upang maasam ang herd immunity. (VA)

The post Mahigit 561K Pfizer vaccines dumating na sa Pinas first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mahigit-561k-pfizer-vaccines-dumating-na-sa-pinas/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=mahigit-561k-pfizer-vaccines-dumating-na-sa-pinas)