Magpapaka-good boy na si Mark Herras matapos niyang ikasal sa kanyang partner na si Nicole Donesa.

Nito lamang Linggo nang magbahagi ang dalawa ng ilang sweet photos nila sa ginanap nilang civil wedding.

Ayon sa ulat ng GMA News, pinangunahan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang naturang seremonya noong Setyembre 8.

https://www.instagram.com/p/CT_VCHEvq2v/?utm_source=ig_embed&ig_rid=08b9f6d0-e442-4815-a765-33deac39cd3e

“We tied the knot on Mama Mary’s birthday,” sey ni Nicole sa caption ng kanyang post.

Anang dalawa sa kanilang YouTube channel, napagdesisyunan nilang ikasal upang maging “legal” ang kanilang pagsasama at para na rin anila sa kanilang baby boy na si Corky.

“We’re saving the big celebration for the Church wedding. We just don’t know when. It will happen,” hirit ni Nicole. (VA)

View this post on Instagram

A post shared by ɪᴄᴏ♡ (@nicole_donesa)


The post Mark Herras nagpatali na sa dyowa first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mark-herras-nagpatali-na-sa-dyowa/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=mark-herras-nagpatali-na-sa-dyowa)