Para kay Janine Gutierrez, hindi dapat payagang kumandidato ang isang indibiduwal na may corruption o plunder case.

Sinabi ito ng aktres sa “The Best Talk” interview ni host Boy Abunda.

“Sa iyong opinion Janine, dapat bang payagang tumakbo ang isang taong may corruption or plunder case?” tanong ni Abunda.

Ani Janine, “Ah ‘di ba Tito Boy, kapag sa trabaho, hindi ka matatanggap kung wala kang NBI clearance? So, siguro, maybe it should be the same for everyone kung merong mga outstanding na hindi pa saradong kaso or things like that.”

The post May kasong korapsyon ibawal sa eleksyon – Janine first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/may-kasong-korapsyon-ibawal-sa-eleksyon-janine/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=may-kasong-korapsyon-ibawal-sa-eleksyon-janine)