Pumangalawa ang siyudad ng Maynila sa mga lugar sa buong mundo kung saan masarap ang tulog ng mga residente.

Sa pag-aaral ng University of Wolverhampton, lumabas na 35.65% lang ng mga residente sa Maynila ang nagtu-tweet ng mga reklamo nila sa kanilang pagtulog.

Nanguna naman ang Cali, Colombia sa naturang listahan na siyang may 33.93% reklamong tweets.

Samantala, lumitaw naman sa pag-aaral na Rochester sa New York, America ang may pinaka stressful na pagtulog.

Halos 55.21% kasi ng reklamong tweets kaugnay sa pagtulog ang nakalap nila.

Sinundan naman ito ng Liverpool at Manchester sa United Kingdom.

The post Maynila swak bilang Top 2 sa best cities for sleep first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/maynila-swak-bilang-top-2-sa-best-cities-for-sleep/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=maynila-swak-bilang-top-2-sa-best-cities-for-sleep)