Hindi lamang si Jose Mari Chan ang bubungad sa buwan ng Setyembre kundi maging ang dagdag-singil sa kuryente ng Manila Electric Company (Meralco).

Ayon abiso ng Meralco na inilabas ngayong Biyernes, magtataas sila ng P0.1055 kada kilowatt-hour (kWh) sa kanilang singil.

Ang pagtataas ng singil ay bunsod umano ng nagmahal na generation charge.

Kaya naman, para sa mga kumokonsumo ng 200 kWh, tataas ng P21 ang kanilang bayarin.

Sa kabila nito, ang babayaran ng mga Meralco consumer na P9.1091 kada kWh ngayong Setyembre ay mas mababa kumpara sa P10.0732 kada kWh na singil nila sa parehong buwan noong 2018.

Una ng sinabi ng kompanya na suspendido ang putulan ng kuryente sa mga lugar na nasa ilalim ng MECQ hanggang Setyembre 15.

The post Meralco taas-singil ngayong buwan first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/meralco-taas-singil-ngayong-buwan/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=meralco-taas-singil-ngayong-buwan)