May inilaang P170.5 milyon ang gobyerno sa susunod na taon para sa dalawang drug abuse rehabilitation center ng Cebu.

Ayon kay House Assistant Majority Leader at Cebu Rep. Eduardo Gullas ang rehabilitation center sa Argao ay makatatanggap ng P84.4 milyon at ang nasa Mandaue City ay may P58.7 milyon para maipagpatuloy ang kanilang operasyon.

“Apart from their operating budgets, the Argao center will receive P17 million for infrastructure spending to increase its bed capacity, while the one in Mandaue will get P10 million for the same purpose,” sabi ni Gullas.

Ang 110-bed Mandaue center, ay binuksan noong 2019 at ang kauna-unahang pasilidad na exclusive para sa mga babaeng drug dependent samantalang ang Argao center ay mayroong 300 higaan at isa sa pinakamatandang pasilidad na itinayo noong 1984.

Ang dalawang rehab center ay nasa ilalim ng Department of Health (DOH).

“The drug scourge is both a law enforcement and a public health problem. And the problem has two sides – the supply side (the traffickers and pushers) and the demand side (users),” punto ni Gullas.

Kailangan umano na sabay ang pag-atake sa problema at hindi maaari na puro lamang laban sa mga nagbebenta ng iligal na droga. (Billy Begas)

The post Mga adik sa Cebu na gustong magbago gagastusan ng P170.5M sa 2022 first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mga-adik-sa-cebu-na-gustong-magbago-gagastusan-ng-p170-5m-sa-2022/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=mga-adik-sa-cebu-na-gustong-magbago-gagastusan-ng-p170-5m-sa-2022)