Pasado na sa Kamara de Representantes ang panukalang batas na magbibigay ng training at livelihood program sa mga dating drug dependents.

Walang tumutol sa pag-apruba sa House Bill 10062 na nakatanggap ng 178 boto.

Ayon sa panukala, babalangkas ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ng technical-vocational education and training (TVET) at livelihood program para sa mga rehabilitated drug dependent.

Layunin ng panukala na gawing produktibo at ihanda ang mga dating adik sa pagpasok sa trabaho.

Ang programa ay babalangkasin ng TESDA sa tulong ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Ang DOLE naman ay inatasan na bigyan ng insentibo ang mga kompanya na tatanggap ng mga dating drug dependent.

The post Mga dating adik balak pag-aralin sa TESDA first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mga-dating-adik-balak-pag-aralin-sa-tesda/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=mga-dating-adik-balak-pag-aralin-sa-tesda)