Hinihirit ngayon ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pagbubukas ng mga gym sa gitna ng umiiral na alert level system sa Metro Manila.
Ito ay dahil sa pinapatupad na Alert Level 4 sa Metro Manila ay mga restaurant at salon lamang ang pinapayagang magbukas para sa limitadong bilang ng tao.
Kaya ani DTI Secretary Ramon Lopez, imumungkahi nila sa Inter-Agency Task Force na payagan ding magbukas ang mga gym para sa 10% ng kanilang kapasidad.
“‘Yung susunod po nating ipapa-allow, dahil sa prinsipyo ng exercise, ay ‘yung gym. Pinag-iisipan ‘yan. ‘Yung exercise kasi nakakataas ng immunity,” wika ni Lopez sa isang panayam.
Kapag pinayagan umano ng IATF ang pagbubukas ng mga gym, sinabi ni Lopez na maaari nilang i-require ang mga naturang establisyimento na gumamit ng air purifier. (MJD)
Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mga-gym-nais-ipabukas-sa-alert-level-system/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=mga-gym-nais-ipabukas-sa-alert-level-system)
0 Mga Komento