Sumipa na sa 36,035 kawani ng Philippine National Police (PNP) ang naitalang gumaling mula sa COVID-19.

Ito ay matapos maitala ng PNP Health Service ang 242 bagong nakarekober nitong Lunes.

Samantala, nadagdagan naman ng 158 ang bagong nasapol ng virus.

Sa kabuuan, 38,476 parak na ang tinamaan ng COVID-19.

Nanatili naman sa 113 ang death toll rate ng naturang ahensya.

Kasalukuyang 2,328 na ang aktibong kaso ng COVID sa PNP. (VA)

The post Mga parak na nakarekober sa COVID 36K na first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mga-parak-na-nakarekober-sa-covid-36k-na/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=mga-parak-na-nakarekober-sa-covid-36k-na)