Matapos ang aksidenteng pagbaril ng isang pulis sa kanyang kaibigan, ipinagutos na ni PNP chief Gen. Guillermo Eleazar ang pagsasagawa ng regular na gun safety training sa mga tanggapan ng kapulisan sa bansa.

“Nagbigay na ako ng direktiba to review, i-check, siguraduhin ang regular conduct of gun safety training sa ating mga pulis para manumbalik ang pag-iingat nila sa paggamit o pagdadala ng mga baril,” wika ni Eleazar sa panayam ng TeleRadyo ngayong Linggo.

“Kahit sabihin magkaibigan, magkakila, aksidente o hindi, responsibilidad ng pulis kung anuman ang consequence ng kanyang action,” dagdag pa ng PNP chief.

Samantala, ang pulis na aksidenteng nakabaril sa kanyang kaibigan ay kasalukuyang nasa kustodiya ng pulis at nahaharap sa kasong homicide. (MJD)

The post Mga parak tuturuan ulit humawak ng baril first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mga-parak-tuturuan-ulit-humawak-ng-baril/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=mga-parak-tuturuan-ulit-humawak-ng-baril)