Tuluyan nang sumirit sa mahigit 37,000 ang mga parak na tinamaan ng COVID-19.

Lumobo na kasi sa 37,067 ang kabuuang bilang ng mga kawani ng Philippine National Police (PNP) na nagpositibo sa COVID matapos maitala ang 176 bagong kaso kahapon.

Samantala, naitala rin ang 159 bagong gumaling sa naturang virus. Sa kabuuan, 34,303 pulis na ang nakarekober mula rito.

Bahagyang umakyat naman sa 109 ang death toll rate ng ahensya.

Kasalukuyang pumalo na sa 2,655 parak ang nagpapagaling mula sa virus.

The post Mga pulis na nadale ng COVID namaga na sa 37K first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mga-pulis-na-nadale-ng-covid-namaga-na-sa-37k/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=mga-pulis-na-nadale-ng-covid-namaga-na-sa-37k)