Tuluyan pang namaga sa mahigit 39,000 ang mga parak na tinamaan ng COVID-19.

Sumirit na kasi sa 39,224 ang kabuuang bilang ng mga kawani ng Philippine National Police (PNP) na nagpositibo sa COVID matapos maitala ang 118 bagong kaso nitong Sabado.

Samantala, naitala rin ang 166 bagong gumaling sa naturang virus. Sa kabuuan, 36,877 pulis na ang nakarekober mula rito.

Nanigas naman sa 116 ang death toll rate ng ahensya.

Kasalukuyang 2,231 pulis na ang nagpapagaling mula sa virus. (VA)

The post Mga pulis na nagpositibo sa COVID umapaw na sa 39K first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mga-pulis-na-nagpositibo-sa-covid-umapaw-na-sa-39k/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=mga-pulis-na-nagpositibo-sa-covid-umapaw-na-sa-39k)