Malapit nang sumirit sa 40,000 ang kabuuang bilang ng mga pulis na nagpositibo sa COVID-19 sa bansa.

Lalo pa kasing lumobo sa 39,707 kaso ng COVID ang naitala sa mga kawani ng Philippine National Police (PNP) kung saan 240 dito ay fresh cases nitong Martes.

Samantala, naitala rin ang 202 bagong gumaling sa naturang virus. Sa kabuuan, 37,460 pulis na ang nakarekober mula rito.

Stay put naman sa 117 ang death toll rate ng ahensya.

Sa ngayon, 2.130 parak na ang nagpapagaling mula sa virus. (VA)

The post Mga pulis na tinamaan ng COVID road to 40K na first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mga-pulis-na-tinamaan-ng-covid-road-to-40k-na/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=mga-pulis-na-tinamaan-ng-covid-road-to-40k-na)