Ipinag-utos ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang pansamantalang pagpapasara sa kanilang mga pampubliko at pribadong sementeryo at kolumbaryo mula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 3.
Ito ay matapos lagdaan ni Mayor Isko Moreno ang Executive Order (EO) No. 33 na siyang nagbabawal sa pagdagsa ng mga bisita sa Manila North Cemetery, Manila South Cemetery, at Manila Muslim Cemetery sa Undas dahil sa kasalukuyang pandemya.
“The Directors of the Manila Cemeteries, with the assistance of the Manila Police District, the Manila Health Department, the Manila Disaster Risk Reduction and Management Office, and the Department of Public Services are directed to ensure compliance and implementation of this Order,” saad sa naturang EO.
Ayon sa Manila Public Information Office, tanging mga libing at cremation lang para sa non-COVID-19 case ang pahihintulutan sa naturang petsa.
The post Mga sementeryo sa Maynila sarado sa Undas first appeared on Abante TNT Breaking News.Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mga-sementeryo-sa-maynila-sarado-sa-undas/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=mga-sementeryo-sa-maynila-sarado-sa-undas)
0 Mga Komento