Binisita ng ilang taga-suporta at kamag-anak ang puntod ni dating senadora Miriam Defensor-Santiago sa Loyola Memorial Park sa Marikina City upang alalahanin ang kanyang 5th death anniversary.

Magugunitang taong 2016 nang masawi sa edad na 71 si Santiago dahil sa stage 4 lung cancer.

Nagpasalamat naman ang mister niyang si Attorney Narciso Santiago sa lahat ng patuloy na nagmamahal sa kanyang yumaong misis.

Inilarawan din niya ang kanyang esmi na “Laging hinahanap yung katotohanan ‘pag gagawa ng batas para makatulong sa bayan.”

Taong 2016 nang huling tumakbo si Santiago sa pagkapangulo kung saan si dating senador Bongbog Marcos ang nagsilbi niaynag running mate. (VA)

The post Miriam Defensor Santiago inalala sa kanyang 5th death anniversary first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/miriam-defensor-santiago-inalala-sa-kanyang-5th-death-anniversary/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=miriam-defensor-santiago-inalala-sa-kanyang-5th-death-anniversary)