Kinilig si Kiray Celis dahil ipina-tattoo ng kanyang boyfriend ang mukha niya.

Sa kanyang YouTube channel, ibinahagi ni Kiray ang pagtungo nila sa tattoo shop sa Sampaloc, Manila.

Napili ni Stephan Estopia na ipa-tattoo ang mga mata ni Kiray sa taas ng kanyang kaliwang dibdib.

First time raw ni Stephan na magpa-tattoo.

“Forever na ito! Pinatattoo ng boyfriend ko ang mukha ko! Haba ng hair ko!” sey ni Kiray.

The post Mukha ni Kiray ipina-tattoo ng BF first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mukha-ni-kiray-ipina-tattoo-ng-bf/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=mukha-ni-kiray-ipina-tattoo-ng-bf)