Namaga na sa 2,470,175 ang kabuuang bilang ng mga nasapol ng COVID-19 sa Pilipinas ayon sa Department of Health (DOH).

Batay sa datos na inilabas nga ahensya nitong Sabado, 16,907 kaso rito ay bago.

Samantala, umakyat naman sa 165,092, ang active COVID cases sa bansa kung saan 81.3% ay mild, 13.3% ay asymptomatic, 1.6% ay severe, at 0.7% naman ang nasa critical condition.

Dagdag pa rito, naitala rin ng DOH ang pag-angat ng total recoveries sa 2,267,678 matapos maitala ang 27,120 bagong gumaling mulas sa virus.

Nanatili naman sa 37,405 ang detah toll rate sa bansa dahil walang naitalang bagong nasawi bunsod ng technical issues.

“When the issue is resolved, the succeeding increase in deaths in the following reports will be due to the previous days’ backlogs,” pahayag ng DOH. (VA)

The post Nahawa ng COVID sa ‘Pinas 2.4M na first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/nahawa-ng-covid-sa-pinas-2-4m-na/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=nahawa-ng-covid-sa-pinas-2-4m-na)