Mukhang handa ng makipagbalagbagan si James Harden sa darating na NBA season.

Ipinasilip ng Brooklyn Nets guard ang kanyang shooting drills ilang linggo bago ang simula ng 2021-2022 season.

Matapos malipat sa Nets at samahan sina Kyrie Irving at Kevin Durant, marami ang umasang maiuuwi ng trio ang NBA title.

Nguni pagdating ng playoffs, pinutakte ng injuries sina Irving at Harden dahilan para kapusin ang Nets sa game seven ng second round kontra sa eventual champion na Milwaukee Bucks.

Kaya naman todo-ensayo na si Harden para magpakondisyon at dalhin ang Nets – maging ang sarili – sa unang NBA title.

Tingnan ang video na ipinost ni Harden sa kanyang twitter:


The post NBA title tangka: Harden pinasilip shooting drills first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/nba-title-tangka-harden-pinasilip-shooting-drills/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=nba-title-tangka-harden-pinasilip-shooting-drills)